MANILA, Philippines – Upang mas lalo pang malutas ang problema ng kagutuman, malnutrition at undernutrition, naglaan si Manila Mayor Joseph Estrada ng P50 million ngayon para sa kanyang Nutribun feeding project sa mga mag-aaral ng Grades 1 -6.
Kabilang na rin sa nasabing programa ang mga pa-ngangailangan ng mga estud-yante ng special education (SPED) program.
“Children with special needs deserve the same care and attention, that is why we decided to expand our Nutribun program and make them beneficiaries,” ani Estrada.
Nabatid na taong 2014 pa ibinalik ni Estrada ang school-based Nutribun feeding program bunsod na rin ng mataas na kaso ng malnutrition sa mga pampublikong paaralan.
Sa ilalim ng programa, titimbangin ang mga estud-yante at kung sino ang undernourished ay bibigyan ng Nutribun at gatas sa loob ng apat buwan.
Ang unang bahagi ng proyekto ay sinimulan ni Estrada noong Hulyo 2014 at natapos noong Enero 2015 habang ang ikalawang bahagi naman ay mula Enero 2015 hanggang Enero 2016.
Ayon kay Manila Health Department acting chief. Dr. Benjamin Yson, Hulyo 31 naman nang simulan ang 3rd phase o ikatlong bahagi ng programa kung saan kasama na ang 3,000 estudyante ng SPED.
“Ang pagkakaiba naman ngayon sa pulso ni Mayor Erap sinama po namin ‘yung mga children with special needs,” ani Yson.