^

Metro

Erap, naglaan ng P50-M sa ‘Nutribun’ Feeding Program, SPED

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mas lalo pang ma­lutas ang problema ng ka­gu­tuman, malnutrition at undernutrition, naglaan si  Ma­nila Mayor Joseph Estrada ng P50 million ngayon para sa kanyang Nutribun feeding project  sa mga mag-aaral ng  Grades 1 -6.

Kabilang na rin sa nasa­bing programa ang mga pa-ngangailangan ng mga estud-yante ng special education (SPED) program.

“Children with special needs deserve the same care and attention, that is why we decided to expand our Nutribun program and make them beneficiaries,” ani Estrada.

Nabatid na taong 2014 pa ibinalik ni Estrada  ang school-based Nutribun feeding prog­ram bunsod na rin ng mataas na kaso ng  malnutrition sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng programa, titimba­ngin ang mga estud-yante at kung sino ang under­nourished ay bibigyan ng Nutribun at gatas sa loob ng apat buwan.

Ang unang bahagi ng proyekto ay sinimulan ni Estrada noong Hulyo  2014 at natapos noong Enero 2015 habang ang ikalawang bahagi naman ay mula Enero 2015 hanggang Enero 2016.

Ayon kay Manila Health Department acting chief. Dr. Benjamin Yson, Hulyo 31 naman nang simulan ang 3rd phase o ikatlong bahagi  ng programa kung saan kasama na ang  3,000 estudyante ng SPED.

“Ang pagkakaiba naman ngayon sa pulso ni Mayor Erap sinama po namin ‘yung mga children with special needs,” ani Yson.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with