‘Herbert Bautista’, 1 pa tigok sa anti-drug ops

MANILA, Philippines - Sa pagpapatuloy ng anti-drug operation ng pulisya, patay ang dalawang lalaki na umano’y sangkot sa bentahan ng  iligal na droga sa Maynila at Quezon City.

Dead on the spot si ‘Herbert Bautista ‘alyas “Aso”, 31, ng Parola Compound, Bi­­nondo matapos manlaban sa isinagawang buy-bust ope­ration ng Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Unit ng MPD-Station 11, sa pa-ngunguna ni P/Chief Insp. Leandro Gutierrez dakong alas-6:15 ng gabi.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, kabilang umano si Bautista sa drugs watch list ng Meisic Police Station na naaktuhan ng mga awtoridad ang  pagbebenta umano sa isang kliyente.Nang mapansin ng suspek ang paparating na mga pulis ay agad umanong nagbunot  ito ng baril at pinaputukan ang mga  pulis  na naging dahilan naman upang gantihan ng putok ng mga awtoridad.

Nakatakas naman ang parukyano na bumili umano ng shabu sa gitna ng kaganapan.

Narekober mula sa suspek ang apat na plastic sachet ng shabu at isang kalibre .38 na baril.

Samantala, bangkay na rin ang isang  lalaki  na  alyas Gary, na nasa pagitan ng edad na 30-35, katamtaman ang katawan at may taas na 5’4 nang manlaban sa mga pulis.

Sugatan naman si PO3 Andrew Bautista, nakatalaga sa QCPD Station 10 na tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang paa sa nasabing operasyon.

Ayon sa ulat ni PO3 Jerome Dollente, may hawak ng kaso, naka-engkwentro ng suspek ang tropa ng Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng PS-10, sa pangu-nguna ni SPO2 Rolly Salta at pito pang personnel nito.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng NIA Road, malapit sa gate ng post office sa Brgy. Pinyahan QC, dakong ala-1:30 ng mada-ling-araw.

Bago ito, nagsagawa umano ng buy-bust operation ang tropa ng SAID-SOTG laban kay Gary kung saan si PO2 Bautista ang nagpanggap na buyer.

Habang aktong magpapalitan ng items, nakatunog umano ang suspek sanhi upang magbunot ito ng kanyang baril. Subalit agad na dinamba siya ni PO2 Bautista sanhi upang magpangbuno sila sa baril hanggang sa pumutok ito at tamaan sa kaliwang paa ang pulis.

Dito na kumilos ang back up na operatiba ni PO2 Bautista at pinaputukan ang suspek na si Gary sa katawan saka kapwa isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan idineklarang dead- on-arrival si Gary.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 ng baril at mga basyo ng bala. (Ludy Bermudo with trainee Rei Renee Moriah Marcelo at Ricky Tulipat)

Show comments