^

Metro

Napatay na siklista, inilibing na

Mer Layson at Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nailagak na sa kanyang huling hantungan ang napatay na siklistang si Mark Vincent Garalde sa Loyola Memorial Park sa Marikina City kahapon ng umaga.

Naging madamdamin­ ang naturang libing na dinaluhan ng kanyang mga kaanak, kaibigan at mga siklista na nakikiramay sa kanyang pagkamatay.

Namataan din sa libing­ si Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta at mga kinatawan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Bago ang libing, isang misa ang isinagawa sa Quiapo Church dakong 7:00 ng umaga.

Pagkatapos ng misa ay sinimulan na ang funeral convoy ngunit bago tuluyang nagtungo sa Loyola Memorial Park ay tumigil muna ito sa pinangyarihan ng krimen at nagtirik ng kandila ang mga kaanak ni Garalde.

Matatandaang si Garalde ay binaril at napatay ng army reservist na si Vhon Martin Tanto matapos ang away-trapiko sa P. Casal St. sa Quiapo, Manila dakong alas-9:36 ng gabi noong Hulyo 25.

Nadamay sa insi­dente­ si Rosell Bondoc, 18, nang tamaan ng ligaw na bala sa likod.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with