Pag-oopisina ni Leni sa Boracay mansion, tuloy na - Bistek
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na tuloy ang pag-oopisina sa Boracay mansion sa 11th Street, New Manila ni incoming Vice President Leni Robredo at ang upa dito ay batay sa diskresyon ng Commission on Audit.
“Its an honor for the QC government and to the resident of QC that the Vice President Robredo will have her office here at QC”, pahayag ni Bautista.
Kasabay nito, inikot din ni Bautista sa natu-rang Boracay Mansion.
Ito ay sinabi ni Bautista nang iprisinta sa media ang 3-year Comprehensive Resettlement Plan ng QC na ginanap sa Boracay mansion kahapon na aayudahan ng Manila North Tollways Corporation, Department of Public Works and Highways (DPWH) NCR, Metro Manila Development Corporation, Pasig River Rehabilitation Commission, University of the Philippines at Me-tropolitan Waterways and Sewerage System kasama ang Presidential Commission on the Urban Poor, National Housing Authority, Socialized Housing Finance Corporation at Department of Budget and Management.
Layunin ng proyekto na maglaho na ang problema sa traffic sa QC sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bagong kalsada na iiwas sa traffic sa Edsa at maipagpatuloy na ang mga proyektong pabahay sa mga infor- mal settlers sa lunsod.
“ May pondo na po ang ating mga project diyan pero hindi masimulan ang mga ito dahil sa pagkakaroon ng mga informal settlers na nakatira sa mga lugar para ma-develop kaya gagawin natin ngayon na magkaroon ng paglilipatan para sa kanila”, pahayag ni Bautista.
Nanawagan din si Bautista sa Duterte Administration na mapondohan ng national go-vernment ang mga programang pabahay para sa mga informal settlers laluna sa lungsod upang mabigyang daan na ang mga development pro-jects na natetengga dahil sa tinitirhan ang lugar ng mga settlers.
Sa loob ng 3 year development proposal ay paglalaanan ito ng P19 bilyong pondo para sa community building program upang mailikas sa mas disenteng bahay ang may 55,550 pamilya.
Sa naturang okasyon, dinaluhan ito ni House speaker Sonny Belmonte, Congressmen Kit Belmonte, Bingbong Crisologo, mga stakeholders at iba.
Umaasa naman si Bautista na sa panahon ng susunod na administrasyon ay mabibigyang daan nang matupad ang naturang programa na hindi nagawa sa nakalipas na 3 taon.
- Latest