^

Metro

Trak ng basura kailangan din ng prangkisa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tulad ng mga towing service company, kaila-ngan ding kumuha ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga trak ng basura.

Ito ang sinabi ni LTFRB boardmember Ariel Inton upang matamang ma­ka-pag-operate ang mga truc-king company sa paghahakot ng basura mula sa bawat lokalidad na kakontrata ng mga ito.

“Yang kasing mga trak ng basura ay may kontrata sa local government agencies, naniningil din yan sa LGUs para sa serbisyo nila kaya kailangan nilang kumuha ng franchise ng LTFRB, considered kasi yang truck for hire vehicle” pahayag ni Inton.

Sinabi ni Inton na oras na mabigo ang mga truc-king company ng basura na makakuha ng franchise sa LTFRB ay ipatitigil nila ang operasyon nito.

Binigyang diin ni Inton na bagamat pagkolekta ng basura sa mga lokalidad nakatutok ang operasyon ng garbage trucks, dapat din namang iprayoridad ng may-ari nito ang pagsasalegal ng kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng prangkisa.

 Anya may kaukulang parusa sa mga garbage truck owners na hindi kukuha ng franchise sa ahensiya.

 

CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

CYNTHIA VILLAR

MANILA BAY RECLAMATION PROJECT

NEW INTERNATIONAL AIRPORT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with