Pagpupulong ng drug lords sa Bilibid vs Digong, itinanggi

MANILA, Philippines - Itinanggi ng isang opis­yal ng New Bilibid Prison (NBP) ang umano’y na-ging pahayag ni incoming Philippine National Police (PNP) chief Director Ro-nald Dela Rosa hinggil sa umano’y pagpupulong ng grupo ng mga drug lord sa loob ng kulungan para planuhin ang assassination sa kanila ni President elect Rodrigo Duterte.

Ayon kay NBP Spokesperson Msgr. Bobby Ola­guer, sa kanyang personal na kaalaman ay wala naman silang natatanggap na ganitong impormasyon.

Posible rin aniyang may kakilalang inmate si Dela Rosa, na nagbibigay sa kanya ng impormasyon, subalit hindi nila matukoy kung totoo nga ito.

Hindi pa nagbibigay ng reaksiyon ang iba pang opisyal ng NBP hinggil dito.

Nauna nang ipinahayag ni Dela Rosa, na may ina­lok umanong P100 million reward ang mga drug lord sa NBP para “patumbahin” siya at si Duterte dahil sa mahigpit nilang kampan­ya kontra droga.

Show comments