MANILA, Philippines - Handa na ang Quezon City sa panahon ng tag- ulan.
Ito’y makaraang simulan na ng lokal na pamahalaan ang declogging o ang ‘Operation Linis Ilog’ sa mga waterways sa lungsod partikular sa mga ilog, at malalaking canal dito
Mula noong Abril nga-yong taon, nagsimula na ang tanggapan ni Quezomn City engineer Joselito Cabungcal na isagawa ang malawakang clean-up drive sa mahigit 20 waterways upang maiwasan ang pagbabaha sa panahon ng tag-ulan.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Engineer Robert Beltran ng Road Maintenance Division ng City Engineering Department, may 90 percent na ang natatapos nilang linising mga ilog, creeks at malalaking canals sa anim na distrito sa lungsod.
Sinabi rin ni Beltran na may nailagay din silang monitoring system sa mga lugar sa QC upang agad madetermina ang kailangang ayuda sa mga kalsada na madalas bahain kapag malakas ang pag-ulan.
Kasalukuyan namang isinasagawa ang drainage networks sa Mariblo Creek, Matalahib Creek, Culiat River, San Francisco River, Tangue Creek, Balaba Creek, Bayan Creek, Katipunan Creek, Dario Creek, at Pasong Tamo Creek sa District I.
Sa district II, ang drainage improvement plan ay pumapaloob sa Tullahan river, North Fairview, Sta. Lucia, Sta. Monica, Gulod, Nagkaisang Nayon at San Bartolome.
Sa district III ay sa Bara-ngays East Kamias at Tagumpay habang s District IV ay may drainage improvement sa Campupot creek puntang San Juan river, Aurora Boulevard bridge at Lagarian creek.