Pusher itinumba ng vigilante group
MANILA, Philippines – Isa na namang kilabot na drug pusher ang itinumba ng umano’y grupo ng mga vigilantes sa Barangay Commonwealth sa Quezon City kahapon ng madaling- araw.
Ayon kay P/Supt. Robert Sales, hepe ng Batasan Police Station 6, isinalarawan ang napatay na suspek na nasa 30-anyos, 5’3’ ang taas, kayumanggi at katamtaman ang pa-ngangatawan.
Ang napaslang na pusher ay natagpuang nakahandusay sa may gilid ng Steve St. sa Barangay Commonwealth na may tama ng bala sa katawan at sa ulo.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas–12:00 ng ha-tinggabi, nakarinig ng mga putok na baril ang ilang residente sa lugar at nang alamin nila ang pinagmulan ng putok ng baril ay saka tumambad sa kanila ang duguang bangkay ng biktima sa may Steve St., Barangay Commonwealth, Quezon City.
Nakuha ng mga otoridad sa bulsa ng nasawi ang mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia.
Agad namang inata-san ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo G. Tinio na masusing imbestigahan ang kaso at tugisin ang hinihinalang mga vigilantes na kumikilos sa lunsod.
- Latest