^

Metro

50 dinampot sa Oplan Rody

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya  ang 50 menor-de-edad para  sa isinasaga­wang “Oplan Rody” matapos lumabag ang mga ito sa curfew sa Makati City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Ange­lo Germinal, deputy chief of police for Operation,  Makati City Police, alas-10:00 ng gabi nang simulan ang operation kasama ang mga barangay sa lungsod na kung saan nasa 50 katao na pawang mga menor de edad ang kanilang pinagdadampot dahil sa paglabag sa mga ordinansa.

Sinabi ni Germinal na karamihan sa mga dinampot nila ay nahuli sa mga computer shop na kung saan naglalaro ng dis-oras ng gabi at ang iba naman ay naglalaro ng skateboard sa lansangan.   

Nilinaw naman ng opisyal na matagal nang may ordinansa sa lungsod, ngunit matigas ang ulo ng ilang mga residente.

Halos limang oras na nanatili sa himpilan ng pulisya ang mga nadakip matapos magpakita ang mga ito  ng mga birth certificate para sa kanilang record.

GOIN’ BULILIT

KIDZANIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with