MANILA, Philippines – Patay ang isang technician nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikila-lang salarin, sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng mada-ling-araw.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Victorino Dela Cruz, 42, residente ng Aplaya St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling- araw sa eskinita ng Purok 6, Rodriguez, Balut, Tondo.
Nabatid na nakatambay ang biktima nang barilin ng mga suspek at tinamaan sa tiyan, kanang bahagi ng katawan at sa kanang braso.
Sa imbestigasyon, technician sa lugar ang biktima at marami na sa mga kliyente nito ang nagagalit sa kaniya dahil hindi naman nagagawa ang mga trabaho nito sa kabila ng panghihingi ng bayad.
“Sabi doon sa lugar nila estapador daw, marami na daw na niloko sa kanila, hinihingan ng pera tapos hindi ginagawa ’yong trabaho, “ani Balinggan.
Maliban pa dito, gumagamit din ng iligal na droga ang biktima na posibleng may kinalaman sa kaniyang pagkamatay.