Pulis na nahulihan ng shabu, baril sa drug raid, kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng patung-patong na mga kaso sa Department of Justice ang pulis na nakuhanan ng pera, shabu at baril sa kanyang bahay nang salakayin ng  mga tauhan ng  National Bureau of Investigation-Anti Illegal Drugs Division kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs and Paraphernalias, Illegal Possession of Firearms and Ammunitions, at paglabag sa PD 1829 o Obstruction of Justice ang kinakaharap ng suspek na si PO2 Jolly Aliangan ng  Talayan St., Balic-Balic, Sampaloc Manila.

Si Aliangan ay nakatalaga sa Regional Anti-Illegal Drugs ng NCRPO at dating nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) ng Manila Police District.

Sa paghalughog sa nasabing bahay ay nakumpiska ang may 100 gramo, dalawang armalite rifles, mga pistols, P7 milyon na natagpuan sa safety vault, isang kulay silver gray at isang puti na Mitsubishi Montero.

Kasama rin sa inireklamo ng kaparehong paglabag ang maybahay ni Aliangan na si Ronalie at driver na si Jeffrey Gutierrez.

Karagdagang reklamo naman na paggamit ng iligal na droga ang isinampa laban kay Ronalie makaraang magpo-sitibo sa droga ang isinagawa sa kanyang urine drug test.

Isinagawa ng NBI ang pagsalakay matapos na makumpirma ang illegal operation ni Aliangan.

Show comments