MANILA, Philippines – Tigilan nyo ‘yan kung ayaw niyong masibak!
Ito naman ang babala ni Manila Police District Director Chief Supt. Rolando Nana sa mga pulis Maynila na posibleng sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Maynila at ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Nana, agad niyang ipasisibak ang mga pulis na masasangkot sa usapin ng droga lalo na’t mahigpit ngayon ang kampanya ng Philippine National Police at ng city government laban dito.
Aminado si Nana na may mga pulis Maynila na sangkot sa ipinagbabawal na gamot subalit hindi lamang natitiyempuhan ng kanilang mga kabaro. Subalit sakaling magkrus ang kanilang landas, tiniyak ng opisyal na mawawala ito sa serbsiyo.
Nabatid pa kay Na-na na may ipinakalat na siyang mga tauhan sa mga barangay upang matukoy ang mga pulis at maging ang bara-ngay officials na posibleng protector ng illegal drugs sa lugar.
Bagama’t ang barangay ang siyang dapat na nakakapagmonitor ng mga galaw ng kanyang mga constituents, may mga barangay officials din ang sangkot sa droga na tinatrabaho rin ng kapulisan.