^

Metro

Isko namigay ng assistance sa mga dialysis patients

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang buwang panga­ngampanya, muling pinagtuunan ng pan-sin ni Manila Vice Ma-yor Isko Moreno ang pamamahagi ng assis-tance sa mga dialysis patients.

Abot-abot ang pag­hingi ni Moreno ng  pa­umanhin sa mga dialysis patients na kanya ring  naisantabi  upang   mangampan­ya noong nakaraang halalan.

Ayon kay Moreno,  ngayong tapos na ang  halalan, balik serbisyo  na siya sa Manilenyo. Nais niyang sulitin ang  ipinasusuweldo sa kanya ng taumbayan  hanggang katapusan ng kanyang termino.

Binigyan diin ni  Mo­reno na ramdam niya ang pangangailangan ng mga dialysis patients at maging ng mga mahihirap na ta­galungsod kung kaya’t ginagawa niya ang  lahat upang  ma­iahon ang mga ito sa hirap.

Tiwala pa rin si Moreno na makaka-tulong pa rin siya sa publiko kahit wala na siya sa puwesto. “ Kung gusto mo namang tu­mulong regardless kung nasa pwesto ka o hindi, “ ani Moreno.

Tiniyak ni Moreno na tuloy-tuloy pa rin ang kanyang responsibilidad sa Maynila ngayon hanggang sa  Hunyo lalo pa’t marami  pang mga ordinansa ang dapat na maipasa para sa kapakanan ng  Manilenyo.

CEBU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with