^

Metro

Welder dedo sa crates ng bakal sa planta

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaagnas na nang madiskubre ang bangkay ng isang welder na may tatlong araw ng nawawala nang madaganan ng crates na puno ng bakal sa pinapasukang planta, kahapon ng umaga sa Malabon City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Noriel Remorosa, 21, at residente ng No. 135 P. Burgos Street, Caloocan City ng kasamahan sa trabaho na si Julio Simba, 29, sa loob ng Toneiki Industrial Corporation sa may No.122 M.H. Del Pilar St., Brgy. Santulan, ng naturang lungsod.

Nabatid na huling nakitang buhay si Remorosa noong nakaraang Linggo (Mayor 14) dakong alas-4 ng hapon sa loob ng naturang planta.  Mula noon ay hindi na nakita ito at inakala ng mga kasamahan na hindi lamang nagpapapasok sa trabaho.

Ayon kay Simba, nakaamoy siya ng mabaho sa loob ng planta kaya sinundan niya ang pinagmumulan nito. Nakarating siya sa salansan ng mga crates na naglalaman ng “U-head steels” na bawat isa ay may timbang ng higit 1,000 kilo.  Dito rin niya napansin ang bangkay ng isang lalaki na nadadaganan ng mga crates.

Nang maiangat ang mga nakadagan na crates, dito nadiskubre na ang nawawalang si Remorosa na nag-uumpisa nang maagnas.

Agad namang ipi­nagbigay alam sa pa­milya ni Remorosa ang pangyayari habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may posibilidad na “foul play”. Inaalam din naman ang posibleng pananagutan ng kumpanya sa pagkamatay ng kanilang empleyado.

NORTH KOREANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with