MANILA, Philippines – Pinababa ng bagon ang daan-daang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) makaraang tumirik at muling magkaroon ng aberya ang biyahe nito kahapon ng tanghali.
Nabatid na dakong alas-12:55 ng tanghaling tapat noong tumirik ang isang bagon sa southbound line ng MRT.
Kaya sa gitna ng matinding sikat ng araw ay naglakad sa gilid ng riles ang mga pasahero ng MRT sa Santolan station.
Hindi pa masabi kung ano ang dahilan ng aberya dahil hindi makontak si MRT General Manager Roman Buenafe na siyang awtorisadong magsalita ng dahilan ng panibagong aberya sa MRT.
Ang MRT-3 ay nag-uugnay sa Taft Avene, Pasay City patungo ng North Avenue, Edsa Quezon City at vice versa.