Magdyowa tiklo sa cybersex business
6 paslit nasagip
MANILA, Philippines – Anim na kabataan na nasa edad 9 hanggang 16-anyos ang naisalba ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation--International Operations Division (NBI-IOD) kung saan nadakip naman ang maglive-in na operator ng cybersex den sa General Trias, Cavite, sa isinagawang operasyon nitong nakalipas na Sabado.
Kahapon ng umaga nang iprisinta ng NBI sa pangunguna ni Director Virgilio Mendez at NBI-IOD chief Danny Daganso sa mamamahayag ang mga suspek na sina Marvin Lorenzo at Carolina Muzar, ng Gen. Trias Cavite, na nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 9775 o Anti Child Pornography Act 0f 2009; RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons In Act of 2012; RA 7610 o Anti-Child Abuse Law at RA 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Cavite Prosecutor’s Office.
Mistulang family business o sabwatan sa loob ng pamilya ang nasabing cybercrime. Isa sa batang naisalba ay anak pa mismo umano ng mga suspek na ginagamit din sa cybersex business operation na ang larawan ay kabilang sa nasamsam na ebidensiya.
Nabuking ang ilegal na aktibidades ng mga suspek nang mismong ang Norway authorities na ang nagbigay ng impormasyon sa NBI hinggil sa lokasyon at aktibidad ng mga suspek na nasa General Trias Cavite.
Kaugnay umano ito nang pagkakadakip ng Norwegian counterpart sa mamamayan nilang si Johannes Vinnes, sa kasong Child Pornography noong Disyembre 2015 at natunton na sa Pilipinas nagmummula ang mga sex video at larawan ng mga kabataang sangkot sa cybersex.
Nagsagawa ng tracing at case build up ang NBI na nagturo kung saan matatagpuan ang mga cybersex den.
- Latest