DILG problemado sa pagsisikip ng kulungan

MANILA, Philippines – Nahaharap ngayon sa malaking problema ang Department of Interior and Local Government kung saan ikukulong ang mga naares­tong drug traffickers matapos lumobo ang bilang ng mga ito simula ng ipatupad ang malawakang “one-time big-time” anti-drug operations

Ayon kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento, nagkaroon ngayon ng malalang kakapusan ng mga piitan para sa mga naarestong drug traffickers dahil sa serye ng anti-drug operations na ginawa ng iba’t ibang anti-drug units ng Philippine National Police (PNP) kasama ang bagong tatag na Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Sabi ng kalihim, sa pama­magitan ng “one-time, big-time” campaign ng PNP, umabot sa kabuuang P1.982 billion ang halaga ng iligal na droga ang nakumpiska at winasak habang nasa 13,609 hinihinalang drug offenders ang naaresto at 23 iba pa ang nasawi sa mga operations kaugnay dito simula noong Enero hanggang Marso lamang.

Sa 13,609 na naaresto, 4,014 ang hinihinalang mga drug pusher, 5,242 ang mga user, 4,103 ang  pareho ang paglabag pushers at users, 175 ang nada­kip na minors at 75 ang nagtatanim ng ma­­rijuana. Sa mga naaresto, nasa14 ang kinokonsiderang high profile drug persona­lities, kabilang ang pitong foreign nationals.

Sa loob lamang ng apat na buwan, umabot sa 8,664 anti-drugs operations kabilang ang 1,856 mga pagsalakay sa shabu laborato-ries, o ang “shabu tianges” at drug dens ang ginawa ng PNP. Nasa kabuuang 11,331 mga kaso naman ang sinam­pa- han sa kahalintulad na kaso.

Giit ni Sarmiento, inata­san na niya si Bureau of Jail Management and Penology Officer-in-Charge Chief Supt. Deogracias C. Tapayan na agad na gumawa ng plano para madagdagan ang mga selda at palawakin ang lugar nito upang masiguro na merong sapat na pasilidad para sa lumalaking bilang ng mga naaarestong  drug offenders.

Maging si PNP Chief Director General Ricardo Marquez ay inatasan din ng kalihim na gumawa ng karagdagang detention cells sa ilang mga lugar upang matugunan ang lumulobong kakapusan sa mga pasilidad ng mga piitan sa bansa.

 

Show comments