^

Metro

19 wanted timbog sa San Juan, Makati

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huli ang 14 na kriminal kabilang na ang top 1 most wanted person sa San Juan  bunsod ng sunod-sunod na raid at pagsalakay ng mga awtoridad sa hideout ng mga suspek kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Jefferson Toshimitsu, top 1 most wanted person sa San Juan dahil sa pagiging pusakal na drug pusher.

Si Toshimitsu ay nadakip kamakalawa ng hapon sa buy bust operation na isinagawa ng San Juan police sa hideout nito sa Brgy. Pasadena sa lungsod.

Nabawi mula kay Toshi­mitsu ang may 10 gramo ng hinihinalang droga at mark money na ginamit sa operasyon.

Nadakip din sina John Inri Barros, Necita Ramos, Girlie Arcillas, Angelica Escalante, Nikki Mondejar, Alberto Arcillas, Praxedel Abalorio, Edmund Mallinlin, Eduardo Butizon, Richard Olivares, Rethley Kadusale, Freddie Patungan, at Paquito Bayani na pawang may kinakaharap na iba’t-ibang kaso.

Ang mga suspek ay naaresto bunsod ng pagtalima ng mga pulis sa kautusan ni San Juan City Mayor Guia Gomez na paigtingin ang pagsasagawa ng police visibility at magsagawa ng pagsalakay sa hideout ng mga kriminal.

Samantala sa Makati City, limang wanted  din kabilang ang isang retiradong pulis at negosyante ang nadakip ng pulisya sa isinagawang ‘One Time Big Time Operation’  sa lungsod ng Makati, kamakalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police ang mga nadakip na sina ret.  SPO4 Victor Puddao, 60,  ; Gerald Keith De Gracia, 24;  Edwin Dontis Carlo, 41, isang negosyante at Bienvenido Malate, 38.

Ayon kay Barlam, ang naturang mga akusado ay nadakip alas-8:30 ng gabi sa kanilang isinagawang OTBT at  ‘Oplan Pasadya’ sa Brgy. Guadalupe Viejo ng naturang lungsod sa bisa ng warrant of arrest na inisyu  ng mga korte ng Sandiganbayan, Makati at Olongapo City.  Ang mga nadakip ay nahaharap sa magkakaibang kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with