Drug den sa Quiapo sinalakay: 6 timbog
MANILA, Philippines - Arestado ang anim katao kabilang ang sinasabing operator ng isang drug den nang salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operations Unit (MPD-DPIOU) sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.
Bukod sa pakay na ‘tulak’ ng iligal na droga na kinilala ng si Percival David, 47, Int. 32 Aguado St. Quiapo, nadakip din sa operasyon sina Bunny Pineda, 48; Howard Coquinco, 28; Erick Bergoro, 26; Paul Jimenez, 25, at Jairus Pineda, 21.
Sinabi ng hepe ng DPIOU, sinalakay nila ang bahay sa 1245 Lincallo St., dakong alas-10:15 ng umaga, kahapon at inabutan ang mga suspek sa loob nito na ang ilan ay naaktuhan pang nagsasagawa ng pot session.
Sinamsam mula sa mga suspek ang isang baril na Norinco 9MM na may 5 bala, isa pang replica ng baril, 5 sachet ng shabu, 3 gunting, 2 at drug paraphernalia.
Kasama din sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng District Intelligence Division (DID) at ilang team mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT).
Naging saksi naman sa nasabing operasyon ang nakakasakop na si Brgy. Chairman Benjamin San Juan, ng Brgy. 389, Zone 40.
- Latest