^

Metro

Tatay ng 12-anyos na nagpanggap na parak at nangotong, lumutang

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumutang kahapon ang isang construction worker, na nagsasabi siya ang ama ng 12-anyos na batang lalaki na nadakip ng pulisya na nakasuot ng police uniform at nangongotong sa mga driver sa Pasay City. Iniimbestigahan na rin kung may taong  nasa likod sa illegal operasyon nito.

Kinilala ang nagpakilalang ama ng suspek na si Ronaldo Magsalin, 41, nakatira sa Brgy. Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Rosalinsa Orobia, hepe ng Social Welfare Development ng Pasay City, bineberipika pa nila kung si  Ronaldo nga ang ama ng suspek na si Jhon kung kaya’t hindi muna nila ito pinalaya mula sa custody ng Youth Center ng Department of So-cial Welfare and Development.

 Iniimbestigahan na rin ang background ng biktima at mga magulang nito at kung bakit nagagawa nito ang ganung bagay.

 Ayon pa kay Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, nalaman na hindi lamang sa lungsod ng Pasay nambibiktima ang suspek na si Jhon, maging sa area ng Makati, Quezon City, Taguig City at Bulacan ay nangongotong ito sa mga tsuper, na nakasuot ito ng police uniform at kumpleto ang gadget nito bilang alagad ng batas.

Nalaman pa na pinasadya pa umanong ipagawa ng  batang suspek ang police uniform nito. Iniimbestigahan din ng pulisya, kung “front” lamang ang suspek at kung may taong nasa likod para maisagawa  nito ang naturang iligal na gawain.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with