MANILA, Philippines – Basag ang ulo, pisak ang katawan ng isang hindi pa kilalang lalaki nang masagasaan at makaladkad ng tren sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa bahagi ng Pandacan, Maynila, kamakalawa.
Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) wala pang sinumang nakikipag-ugnayang kaanak ng biktimang inilarawan sa taas na nasa 5’2 hanggang 5’4, matangkad, mara-ming tattoo sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakasuot ng khaki na short at dilaw na t-shirt.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga kamaka-lawa nang maganap ang insidente sa riles ng PNR sa soutbound direction sa Labores St., Pandacan.
Sa imbestigasyon, nahagip umano ang biktima habang naglalakad sa gilid ng riles sa pagdaan ng PNR train no. MCS-1035 .
Pumailalim at nakaladkad pa ng tren ang biktima ng ilang metro.