Police asset itinumba

MANILA, Philippines – Isang umano’y police asset na nagbibigay ng impormasyon sa mga notoryus na tulak ng iligal na droga ang pinagbabaril at napatay sa gitna ng maraming tao sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Renato Aredas, alyas JR Taga, ng E. Mariano Street, Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad mag-isa ang biktima sa may F. Pascual Street na puno ng tao dakong alas-5:30 ng hapon nang lapitan ito ng nag-iisang salarin at barilin ng malapitan sa ulo.

Dito nagkagulo ang mga tao nang pumailanlang ang putok ng baril habang kalmadong umalis sa lugar ang salarin.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may closed circuit television camera (CCTV) sa lugar ng krimen sa pag-asang mamumukhaan ang gunman.

Show comments