^

Metro

Marami pang retirees at elderly, mabibiyayaan ng trabaho sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Prayoridad ng Quezon City government na dagdagan pa ang bilang ng mga retirees at elderly na magta-trabaho sa lokal na pamahalaan sa ilalim ng  volunteer work prog­ram.

Sa ilalim ng expansion plan, gagawin ni QC Mayor Herbert Bautista sa 1,000 ang bilang ng mga  volunteers mula sa mga elderly at retirees upang patuloy na mapakinabangan ang kanilang kaalaman at tuloy maging produktibong mamamayan ng lungsod.

Sa ngayon, may  300 retirees ang nagtatrabaho sa lungsod bilang part-time basis na  tutors sa mga public schools, caregivers sa mga health centers, value formation teachers sa mga  day-care centers at bilang support staff  sa city’s department of public order and safety para sa mga retired military  at police officers.

“We should not be confined to just 300, the need to adopt more active programs for the city’s senior citizens for them to remain compe-titive and productive des­pite their age”pahayag ni Bautista.

Kaugnay nito, inatasan ni Bautista si city’s office for senior citizens affairs at senior adviser to the mayor Dr. Manuel Alba para makipag- ugnayan sa city’s social services development department para sa expansion ng  city’s volunteer work program para sa mga  senior citizens at retirees na may mga pagsasanay sa ibat’ ibang gawain.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with