MANILA, Philippines - Kilala na ang bang- kay ng babaeng natag-puang may tama ng bala sa ulo sa Makati City, na ito pala ay misis ng isang musikero sa Makati City noong nakalipas na Miyerkules sa Makati City.
Sa report ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Station Investigation Branch (SIB) kay Police Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, kinilala ang biktimang si Maria Amparo Concepcion “Teng” Santaromana-Gamboa, biyuda ng Filipino Musician na si Dominic “Papadom” Gamboa, ng bandang Tropical Depression.
Natagpuan ang bangkay nitong may tama ng bala sa ulo noong Miyerkules), alas-2:15 ng madaling araw sa may basurahan, panulukan ng Kalayaan Avenue at Bo. Bisaya, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.
Maraming anggulong tinitingnan ang pulisya hinggil sa insidente at isa dito ay posibleng biktima ito ng holdap.
Nagtatrabaho ang biktima bilang isang call center transcriber sa Total Network Research and Marketing, 6th floor HRC building, na mata-tagpuan sa Rada St. Legaspi Village, Bara-ngay San Lorenzo Village, Makati City.
Umalis ito ng kanyang pinagtatrabahu-an noong Pebrero 10 para umuwi ng kanilang bahay hanggang sa na-tagpuan na nga ito na isa ng malamig na bangkay at hindi kaagad ito nakilala ng mga pulis.
Ayon sa hipag ng biktima na si Cheryl Ann Gohu-Santaromana, madalas sumakay ng taxi ang ginang at ala-1:00 ng madaling-araw ay nag-text pa ito sa kanyang anak na lalaki na makakauwi siya ng bahay bandang alas-2:30 ng madaling-araw.