MANILA, Philippines – Kalaboso ang tatlong kilabot na holdaper matapos maaktuhang hinoholdap ng mga ito ang isang pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Kinilala ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Alexander Prim Cruz, 35; Vince Mardy Castro, 20, kapwa naninirahan sa Lotus St., C-4, Bara-ngay Longos, Malabon City at Agustin Jamil, 45, ng Sa-ngandaan, PNP Compound, Caloocan City.
Nakakulong ang mga itosa Pasay City Police detention cell dahil sa mga kasong robbery in band, paglabag sa Republic Act 10591(Comprehensive Law on Firearms), paglabag sa RA 9516 (Explosive Law) at pagla-bag sa Batas Pambansa Bilang 6 (Illegal Possession of deadly weapons).
Ayon sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:00 kahapon ng madaling-araw sa Roxas Boulevard, tapat ng H.K. Sun Plaza ang nasabing lungsod.
Binabagtas umano ng isang Commuters Bus Lines na may plakang AAI-2268 at biyaheng EDSA-Baclaran, nang holdapin ng mga suspek, na nagpanggap na mga pasahero.
Tiyempo namang nag-papatrolya sa naturang lugar ang mga kagawad ng Pasay City Police at namataan nila ang bus kung saan naghinala sila na may nangyayari sa loob nito.
Hindi nagpahalata ang mga nagpapatrolyang mga pulis at hinintay muna nila kung may bababa mula sa bus.
Positibo ngang bumababa ang mga suspek at dito na nila sinakote kung saan nabatid na mga holdaper nga ito.