^

Metro

Illegal posters, campaign materials na wala sa tamang lugar, susuyurin ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisimulan na sa Martes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baklasin ang lahat ng illegal posters at  campaign materials sa mga lugar na hindi itinalaga ng Commission on Election sa buong Kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nasa 12 teams ang kanilang nilikha na nagmula sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan upang i-deploy ang mga ito sa buong Metro Manila.

Unang papasadahan ng mga ito ang pagbaklas sa  mga poster na nakalagay sa mga puno, poste,  traffic lights, cable wiring, fences at waiting sheds.

Katulong ng MMDA ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na deputized din ng COMELEC, na magtatanggal ng mga illegal campaign poster, streamers at  tarpaulins ng mga kandidato.

 Ayon kay Carlos, titiyakin nila ang kaligtasan ng team na magtatanggal ng mga poster at illegal campaign materials, dahil i-eskortan ang mga ito ng mga miyembro ng ng Philippine National Police (PNP) at opisyal ng COMELEC.

 Hindi naman tatanggalin ang mga poster at campaign materials na nakalagay sa mga lugar na itinalaga ng COMELEC.

Base naman sa  nakasaad sa Republic Act 9006 or the Fair Election Act, na  maaaring maglagay ang isang kandidato ng kanyang poster o campaign materials sa mga pribadong lugar na may pahintulot ang may-ari nito.

Sinabi ng naturang opisyal, ang lahat ng lalabag ay irereklamo sa tanggapan ng COMELEC para sa agarang aksiyon laban dito.

ANG

AYON

CHAIRMAN EMERSON CARLOS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FAIR ELECTION ACT

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with