^

Metro

Inspeksyon sa Cloverleaf Market, iniutos ng korte

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang kor­te ng ocular inspection sa Ba­lin­tawak Cloverleaf Market ngayong araw na ito upang ma­determina kung papayagan o hindi ang hinihiling na temporary restraining order (TRO) ng mga petitioner nito para hindi ito buwagin.

Sa tatlong oras na pag­di­nig na ginawa kahapon, bi­nigyang diin ni Quezon City Regional Trial Court Branch 98, Judge Marilou Runes-Tamang ang pangangailangang manatili sa isyu kung ang Cloverleaf Market ay talagang nabigo na tumalima sa umiiral na pamantayan sa istraktura ng gusali.

Ginawa nito ang pahayag makaraang igiit ni Atty. Edcel Lagman counsel para sa Balintawak Cloverleaf Market Corporation (BCMC) na ang cease and desist order na inisyu ay walang basehan, dahil wala naman anyang depekto ang istraktura ng palengke.

Inihayag ni Atty. Rodolfo De Guzman may-ari ng Balintawak Cloverleaf Market na walang inspeksyon na isinagawa at ang cease and desist order ay bigla na lamang isinilbi ng city government sa kabila ng inspection report ng building official na si Isagani Versoza.

Binanggit pa nito na city government ay nakayuko sa pagsisilbi ng kautusan upang i-accommodate ang business plan ng isang kompanya.

Sa puntong ito, hiniling ni Runes-Tamang kay  Lagman na isantabi ang posibleng motibo   at sa halip ay ituon lamang sa isyu kung ang umano’y paglabag na ginawa ng may-ari ng Balintawak Cloverleaf Market ay may katotohanan.

Binigyang diin ng korte ang kaligtasan ng publiko bilang pangunahing focal point, sinabi ni Runes-Tamang kay de Guzman na gumawa ng nararapat na pagsasaayos kung saan sinabi nito na “he was happy to comply’’ kung mayroon mang mga depekto.

Nilinaw ni Lagman na ang status quo ante order na nauna nang inisyu ng korte ay nanati-ling may epekto sa pagbibigay diin na ang Cloverleaf market ay mananatiling operational.

Sina Versoza at market administrator Noel Soliven ay ipri­nisinta din sa  witness stand at isinailalim sa cross examination ni Lagman.

Habang ang ulat ni Versoza ay sinusuring mabuti, tinanong siya ni Runes-Tamang na sabihin ang mga espesipiko at detalyadong depekto ng istraktura ng Balintawak Cloverleaf Market sa halip na ibigay ang isang generalized inspection report.

Binanggit ng korte na ang isyu sa kaso ay para lamang madetermina kung may structural defect at iba pang paglabag sa Balintawak Cloverleaf Market dagdag pa ang mga palagay at ibang motibo ay dapat na isantabi.

ACIRC

ANG

BALINTAWAK CLOVERLEAF MARKET

BALINTAWAK CLOVERLEAF MARKET CORPORATION

BINANGGIT

CLOVERLEAF

CLOVERLEAF MARKET

LAGMAN

MARKET

RUNES-TAMANG

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->