^

Metro

3 holdaper ng bus, muling umatake

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang pampasaherong bus na naman ang hinoldap ng tatlong armadong lalaki saka tinangay ang mga gamit at pera ng may 20 pasahero nito sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 10, nangyari ang insidente sa may overpass sa bahagi ng Edsa kanto ng Kamuning road, Brgy. Pinyahan, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Kuwento ng mga biktimang pasahero, sakay sila ng Saint Rose Transit bus (UYD-565) patungong Nova-liches sa kahabaan ng Edsa, nang pagsapit sa kanto ng Aurora Blvd., ay sumakay ang tatlong suspect at nagpanggap na pasahero.

Pagsapit sa flyover ng Edsa Kamuning, isa sa mga suspect ang biglang naglabas ng baril at nagpaputok sa sahig ng bus, saka nagdeklara ng holdap.

Isa sa mga suspect na may hawak ng granada at baril ang tumutok sa driver saka inutusan itong patakbuhin lamang ang bus, habang ang isa naman sa kanila ang lumilimas ng mga pera at gamit ng mga pasahero.

Nang makuha ang pakay, agad na nagsipagbabaan ang mga suspect sa nasabing lugar at tumakas patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Ang mga pasahero naman ay nagpasyang magtungo sa nasabing himpilan para magreklamo. Agad namang nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad pero nabigo rin silang makita pa ang mga suspect.

Nitong Jan 20, 2016, isang bus ng R.O.V transit ang hinoldap ng tatlong armado sa may kahabaan din ng Edsa Kamuning Flyover, partikular sa tapat ng Nepa Q-Mart. Dito at nalimas ang mga gamit at pera ng may 30 pasahero at konduktor ng bus.

Naganap ang insidente sa kabila ng umiiral na gun ban ng Comelec ngayong panahon ng eleksyon.

ANG

AURORA BLVD

EDSA

EDSA KAMUNING

EDSA KAMUNING FLYOVER

MGA

NEPA Q-MART

NITONG JAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SAINT ROSE TRANSIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with