^

Metro

Binata tumalon mula sa tuktok ng simbahan, lasog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mistulang nag-ala superman sa pamamagitan ng pagtalon sa tuktok ng simbahan, ang isang binata na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na kalalabas lamang mula sa Drug Reha­bilitation Center, ang biktima nang tumalon mula sa tuktok ng isang tatlong palapag na simbahan ng San Felipe Neri na makikita sa Barangay Poblacion, sa lungsod. 

Nagkalasug-lasog ang katawan ang biktimang si Julius Haboc, 28, binata, barker at residente ng 646 Sitio 11, Barangay San Jose, Mandaluyong City.

Sa report ni PO3 Do­nald Banes ng Mandalu­yong City Police, nabatid na dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa
roof­top ng San Felipe Pa-rish Church.

Sinasabing umakyat ang biktima sa rooftop ng simbahan sa pamamagitan ng pagdaan sa gilid ng kampanaryo at saka tumalon na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Bago ang insidente ay sinasabing unang tinangka ng biktima na wakasan ang buhay nang tangkaing tumalon sa isang konkretong poste ng Manila Electric Company (Meralco) sa P. Cruz St., kanto ng Boni Avenue ngunit naagapan lamang ng mga miyembro ng Bantay Bayan.

Matapos ang ilang mi­nuto ay pumasok ng simbahan ang biktima ngunit hindi ito pinigilan sa pag-aakala ng mga tao na nais lamang nitong
magdasal.

Gayunman, sa halip na magdasal ay nagtungo sa roof top ang biktima at saka tumalon.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinabi ng mga kaanak ng biktima na ito’y isang drug dependent at kalalabas lamang ng drug rehabilitation center noong nakaraang buwan.
Dumaranas umano ito  ng halusinasyon at nagsasalita ng mag-isa hanggang wakasan ang sariling buhay.

ACIRC

ANG

BANTAY BAYAN

BARANGAY SAN JOSE

BONI AVENUE

CITY POLICE

CRUZ ST.

DRUG REHA

JULIUS HABOC

MANDALUYONG CITY

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with