Aberya sa MRT dumadalas
MANILA, Philippines – Sa halip na mapabuti ang serbisyo ay lalo pang ‘gumegewang’ at nagiging madalas ang pagkakaroon ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3)
Kahapon ng umaga ay muling nadismaya ang mga pasahero ng MRT-3 makaraang salubungin sila ng aberya.
Ayon sa MRT Operation Center, dakong alas-6:00 ng umaga ng huminto ang tren sa Ortigas station.
Hindi idinetalye ng Operation Center ang sanhi ng aberya ng isa nilang tren na hinatak na lamang pabalik sa depo ng MRT sa North Avenue, Quezon City.
Noong Biyernes ng hapon ay nagkaroon din ng aberya ang isang bagon ng MRT-3 na ikinainis ng mga pasaherong sakay nito na pinababa.
Una dito ay sinabi ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Sec. Joseph Emilio Abaya na gaganda na ang serbisyo ng MRT-3 dahil ginagawa na nila ang lahat ng paraan para maisaayos, maresolba ang lahat ng depekto at problema sa MRT at iba pang mass transport system sa bansa.
- Latest