96-anyos na lola patay sa sunog sa Taguig

MANILA, Philippines – Utas ang isang 96-anyos na lola matapos hindi makalabas sa loob ng kwarto ng kaniyang nasusunog na bahay sa Taguig City ngayong Biyernes ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Manuela Buquel, may-ari ng nasunog na bahay sa kalye ng Apag.

Umabot sa unang alarma ang sunog na nagsimula ganap na 10:33 ng umaga at kaagad kumalat.

Nakaresponde naman ang Taguig Central Fire Station na naapula ang sunog ganap na 11:11 ng umaga.

Hindi pa naman matiyak ng mga awtoridad kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Buquel sa loob ng kwarto.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung nasawi ba si Buquel dahil sa smoke inhalation o sa sunog.

 

Show comments