Depektibong bagon, i-report - LRTA

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang mga depekto na makikita nila sa mga tren upang maaksyunan kaagad ang mga ito. Ayon kay LRTA spokesman Hernando Cab­rera, kina­kailangan lamang na ilagay ang body number ng may problemang tren na inire-report. Sa ganitong pa­raan aniya ay mas madali nila itong matutukoy at mas mabilis rin nilang maaaksyunan ang problema. Ang body number ay makikita naman sa itaas na bahagi ng bawat tren kaya’t madali itong ma­kikita ng mga pasahero.

Dahil sa mga maka­ba­gong teknolohiya at mga social networking sites, ma­rami na sa mga commuters ang nakakapagsum­bong sa LRTA ng mga prob­lemang nakikita nila sa mga sinasakyang tren. Nahihirapan naman ang LRTA na tukuyin kaagad ang depektibong tren kung hindi nila alam ang body number ng mga ito. Ilan sa mga depekto sa mga tren na nabatid ng LRTA sa pamamagitan ng sumbong ng mga netizens at na­­ging viral pa sa mga social networking sites ay ang pagtulo ng ulan sa loob ng tren at pagbiyahe ng tren ng
bukas ang pintuan.

Show comments