^

Metro

Kaugnay sa kinakaharap na kasong rape at human trafficking Mayor Ilagan sumuko sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumuko na kahapon sa National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCRI) office sa United Nations Avenue, Maynila ang alkalde ng Mataas na Kahoy, Batangas City para umano malinis ang kaniyang pangalan sa mga akusasyon.

Si Mayor Jay Ilagan ay may nakabinbing warrant of arrest na inilabas may isang taon na ang nakalipas mula sa korte ng Ormoc City, Leyte kaugnay sa kasong rape at human trafficking na inihain ng isang 19 -anyos na babae, noong taong 2013.

Mariing itinanggi kahapon ni Ilagan na may nagawa siyang panggagahasa at hindi umano totoo ang akusasyon bagkus ay paninira at may bahid pulitika lamang.

“Sumuko po ako para patunayan sa lahat na ang lahat ng akusasyon laban sa akin ay walang katotoha-nan,” ani Ilagan.

Hindi umano siya nagtago bagkus ay nasa Mataas na Kahoy lamang sa Bata-ngas namamalagi.

Nabatid na noong isang linggo ay nagpadala na ng feelers sa NBI si Ilagan para sa pagsuko.

Marami umanong pani­nira sa kaniya ang mga kalaban sa pulitika na pawang walang katotohanan.

Bukod sa kalaban sa pulitika, ilang mga sindikato ng droga at mga negosyante ang kaniyang nakabangga na maaring nasa likod ng mga paninira.

Nabatid na noong Dis­yem­bre 20, 2015 nang sala­kayin ang kaniyang farm sa Mataas na Kahoy na nakuhanan ng mga baril, sa bisa ng search warrant.

Aniya, sa tulong ng NBI ay malilinis niya ang kaniyang pangalan.

Nabatid na ibibiyahe si Ilagan patungong Ormoc upang iharap sa kaniyang kaso at hindi pa batid kung doon siya ikukulong.

ACIRC

ANG

BATANGAS CITY

ILAGAN

KAHOY

MATAAS

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION-NATIONAL CAPITAL REGION

ORMOC CITY

SI MAYOR JAY ILAGAN

SUMUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with