MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki nang mahulihang nag-iingat ng patalim, na paglabag sa election gun ban, sa isang operasyon sa Marikina City kahapon.
Ang suspek ay nakilalang si Alenor Bundas, residente ng Farmers 1, Brgy. Tumana, Marikina City.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), si Alenor Bundas, residente ng Farmers 1, Brgy. Tumana, Marikina City ay naaresto ng mga tauhan ng Marikina City Police dakong alas-2:40 ng madaling araw sa Farmers, Brgy. Tumana.
Nagpapatrulya ang mga pulis nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek kaya’t sinita ito na nagresulta sa pagkakakumpiska ng patalim.
Kaagad dinakip ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya, kung saan siya idinetine sa kasong paglabag sa BP 881 o Omnibus Election Code.