MMDA handa na sa homecoming ni Pia
MANILA, Philippines - Nasa 135 tauhan ng Me-tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang idi-deploy dahil sa inaasahang trapik na idudulot sa isasagawang grand homecoming parade para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Lunes (Enero 25).
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, asahang marami umanong gustong masilayan si Wurtzbach dahil matagal ding panahon ang lumipas bago muling nasungkit ng Pilipinas ang korona sa Miss Universe kaya malamang na magdudulot ito ng masikip na daloy ng trapiko.
Magtatalaga naman ng pitong motorcycle riding traffic enforcers na magsisilbing escort security ni Wurtzbach.
Nauna nang inabiso ng MMDA ang magiging ruta ng parada.
Mula sa Hotel Sofitel, kaliwa sa Atang Dela Rama Street; kanan sa Vicente Sotto St.; kaliwa sa F. Ma. Guerrero St.; kanan sa Bukaneg St.; kaliwa sa Roxas Boulevard; kaliwa sa Padre Burgos patungong Taft Ave.; kanan sa Finance Road; kanan saTaft Ave.; kanan sa Quirino Ave., kaliwa sa Roxas Boulevard; kaliwa sa Sen. Gil Puyat Ave.; kaliwa sa Ayala Ave.; U-turn sa Ayala-Makati Fire Station, patungo na sa Ayala Ave., hanggang Rustan’s na kung saan dito na magtatapos ang parada.
Payo ng MMDA sa mga motorista, na iwasan ang naturang mga lugar upang huwag maabala at dumaan na lamang ang mga ito sa mga alternatibong ruta.
- Latest