MANILA, Philippines – Nasa mahigit 200 bahay ang nasunog nang magpalipad ng mga papel na sinindihan ng posporo ng ilang batang naglalaro at inabot ang kurtina na naging sanhi upang mabilis na kumalat ang apoy, sa Malate, Maynila, kamaka-lawa ng gabi.
Sa ulat ng Manila Fire Bureau, alas 8:54 ng gabi nang magsimulang magliyab ang kurtina na nasa loob ng bahay ng isang Ricardo Lopez, may-ari ng two-storey apartment, sa Pitimini St, panulukan ng Arellano St., Malate, Maynila.
Nadamay umano ang nasa mahigit 200 pang ka-bahayan na naapektuhan ang dalawang barangay na pinamumunuan nina Bara-ngay Chairman Sonny Santos at Chairman Reynaldo Habay-habay.
Naideklarang fire-out ito alas 9:27 ng gabi dahil sa pagtutulungan ng magkakapitbahay, mga bumbero, voulunteer fire brigades at Manila Fire.