Lider ng ‘Gapos Gang’ sa Maynila tiklo

Sa ulat, kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona ang nahuling suspect na si Amie Magnaan, 47. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Matapos ang halos isang taong pagtatago sa batas, nasakote kamakalawa ng pinagsanib na elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng lokal na pulisya sa Limay, Bataan ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Hapones na nilooban sa lungsod ng Maynila.

Sa ulat, kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Victor Deona ang nahuling suspect na si Amie Magnaan, 47.

Ayon kay Deona si Magnaan, ang pangunahing suspect sa pagpatay sa biktimang si Tomoyuki Takasugi.

Si Magnaan ay  nahuli ng mga elemento ng PNP-CIDG- Anti-Organized Crime Division sa pangunguna ni Supt. Samson Belmonte at ng Limay Police sa bisinidad ng C3 Road, Marcelo Street, North Bay Boulevard, Navotas City bandang alas-12:45 ng tanghali.

Bago ito ay isinailalim ng mga operatiba sa masu-sing surveillance operations ang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspect.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos mapalibutan ng arresting team na agad itong pinosasan. Inaresto ito sa bisa ng warrang of arrest na inisyu ni Judge Virgilio Alameda ng Regional Trial Court –National Capital Judicial Region Branch 10 sa lungsod ng Maynila sa kasong robbery with homicide.

Sinabi naman ni Limay, Bataan Acting Chief of Police P/Chief Inspector Diksie de Dios na lider ng notoryus na ‘Magnaan Gapos Gang’ ang grupo ng nahuling si Magnaan na nag-ooperate sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Magugunita na si Takasugi  ay nilooban ng Gapos Gang sa tirahan nito sa Room 26 F, 26th Floor, Malate Bay View Mansion sa Adriano Street, Malate, Manila   na natagpuang tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng buong katawan noong Mayo ng nagdaang taon.

Show comments