^

Metro

Fisherman’s wharf itatayo sa Parañaque coastal road

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagawing tourist destination at fisherman’s wharf ng pamahalaang lungsod ng Paranaque ang mga lumang gusali na matatagpuan sa kahabaan ng  Coastal Road.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang  “fisherman’s wharf” o tatawa­ging “Bulungan sa Parañaque”  ay magiging bagsakan ng mga sariwang isda at lamang dagat mula sa Manila Bay.

Sinabi ni Olivarez, bukod dito,  magiging isa rin itong tourist destination dahil magkakaroon dito ng retail at souvenir stores, palengke at mga seafood restaurants kung saan pwedeng ipaluto ang mga nabiling sariwang isda.

Magkakaroon din ng ferry pier sa lugar kung saan ang mga local at foreign tourist mula sa PAGCOR Entertainment City ay pwedeng sumakay ng ferry papunta sa lugar.

“It will just a 15-minute ferry ride from Entertainment City going to the “Bulungan. We will also offer boat rides for local and foreign tourists,” paliwanag ng mayor.

Sinabi ni Olivarez, ang Bulungan ay magiging event place o kahit mini-concert venue. “Pwede rin dito ganapin ang firework display tuwing Pasko dahil malawak ang lugar.”

Ayon sa engineering plan, magkakaroon din ng mga floating restaurants sa gitna ng wharf at Freedom Island na kasalukuyang sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources.

Dagdag pa ni Olivarez, ang Bulungan, na magiging bagsakan ng mga sariwang laman dagat at produktong agrikultura mula sa ibang bayan tulad ng Cavite at Laguna, ay kumpleto sa parking area at jeep at taxi terminals.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BULUNGAN

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

COASTAL ROAD

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENTERTAINMENT CITY

FREEDOM ISLAND

OLIVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with