Rollback sa presyo ng petrolyo, ipinatupad

Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell, ang muling pagpapatupad ng rollback ay bunsod ng paggalaw ng pres­yuhan nito sa pandaigdigang pamilihan sa kabila ng nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis epektibo ngayong araw na ito ng Martes (Enero 19).

Ang pinatupad na bawas presyo ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, na nagbaba ng P1.00 sa kada litro ang kanilang gasoline; P1.25 kada litro sa kerosene at P1.45 naman sa  diesel,  na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell, ang muling pagpapatupad ng rollback ay bunsod ng paggalaw ng pres­yuhan nito sa pandaigdigang pamilihan sa kabila ng nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.

Inaasahan naman na mag-aanunsiyo na rin ng bawas presyo  ang ilang pang oil companies na kahalintulad rin ng halaga.

Matatandaan, na huling nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay noong Enero 12 ng taong kasalukuyan.

 

Show comments