^

Metro

P14-B buwis nalikom ng Makati City sa taong 2015

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa halos P14 bilyon ang nalikom ng pamahalaang lungsod  ng Makati mula sa mga buwis nitong  2015, na mas  lomobo  ng siyam na porsiyento kumpara sa taong 2014 na umabot lamang sa P12.79 bilyon.

Ayon kay Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña, ang positibong koleksiyon ay isang indikasyon ng malalim na tiwala at kumpiyansa ng mga negosyante sa lungsod.

“The city government under the Bagong Makati administration is deeply grateful for the tangible support and confidence shown by the city’s foremost development partner, its thriving business community. We also feel vindicated by the increase in new investments and improved business retention in the city, proving our detractors and the doomsayers wrong,” ani Mayor Peña.

Base sa talaan ng Business Permits and Licensing Office, may 4,211 bagong negosyo ang nag-akyat ng P23 bilyong paid-up capital sa 2015, habang ang kasaluku­yang 30,000 negos­yanteng tala ay nakapagtala ng P1.1 trilyong benta sa nakalipas na taon.

Ang mataas na koleksiyon ayon kay Peña ay bunsod ng pinaigting na prinsipyo ng pamahalaang lungsod sa transparency at good governance at kahandaan sa puna at public accountability.

“Sa nakalipas na anim na buwan, naisulong namin ang wastong reporma upang maiwasan ang korupsiyon at maprotektahan at ituring na banal ang pondo ng Makati. Naisulong natin ang transpa­rent bidding upang matiyak sa ating lahat ng nasasakupan na pawang de kalidad ang serbisyong maipagkakaloob sa kanilang lahat,” dagdag pa ni  Peña.

Binigyang kredito din ng alkalde ang epektibo at episyenteng pagpopro­seso ng business permits at pagkalap ng buwis, dahilan upang lalong lumobo ang koleksiyon ng Makati.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BAGONG MAKATI

BINIGYANG

BUSINESS PERMITS AND LICENSING OFFICE

MAKATI

MAKATI CITY MAYOR ROMULO

MAYOR PE

NAISULONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with