^

Metro

Operasyon ng ‘patok’ na jeep sinuspinde ng 30 days ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  ang operasyon ng isang pampasaherong jeep  makaraang mag-viral sa social media   na pagewang-gewang ito habang   pumapasada sa may Marikina City.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, boardmember ng LTFRB, ang passenger jeepney na may plakang PPZ-269 ay pagmamay-ari ng isang  Raymond Deyro ng 21 Himlayan Bayan, Barangka, Marikina City.

Iisa lamang ang jeep na nasa franchise no. 2010-04378 na may rutang Calumpang Marikina-Stop and Shop Aurora Cubao.

Sinasabing ang jeep na tinatawag na ‘patok’ ay nagpapagewang-gewang sa pasada dahil mas enjoy daw ang mga pasahero nitong kabataan at sikat ang driver nito sa ganung pamamasada.

“Mas sikat ang maingat sa pagmamaneho.Hindi kaila­ngang maging sikat ang driver para makakuha ng pasahero, mas maha­laga diyan ay maging sikat ka sa maingat na pagmamaneho para maging ligtas sa anumang oras  at huwag malagay sa ala­nganin ang buhay ng mga pasahero”pahayag ni Inton.

Pinagpapaliwanag na ng LTFRB ang may- ari ng naturang jeep  hinggil sa naganap na insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARIEL INTON

AYON

BARANGKA

CALUMPANG MARIKINA-STOP AND SHOP AURORA CUBAO

HIMLAYAN BAYAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MARIKINA CITY

NBSP

RAYMOND DEYRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with