^

Metro

Milagrosong chapel aayusin

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuturing na himala ng mga residente ng  Dagupan St. Tondo, Maynila at maging ni  Manila Mayor  Joseph Estrada ang pagkakaligtas sa sunog ng isang community chapel na kinalalagyan ng  Poong Nazareno noong Bagong Taon.

Ayon kay Estrada, ang milagrong ito ay nagpapatibay sa paniniwala ng milyun-milyong debotong nakiisa sa nasabing kapistahan sa pagtatagumpay ng matibay na pananampa­lataya sa kabila ng mga paghihirap at dusa na kinakaharap ng maraming Pilipino.

Noong  isang linggo ay binisita ni Estrada ang St. Joseph Chapel sa Brgy. 155 sa Dagupan, Tondo upang mamahagi ng mga housing construction materials at pangunahan ang pagtatayo ng mga bagong bahay ng tinatayang 2,000 biktima ng sunog.

Ayon kay Estrada, sa kabila ng laki at lawak ng sumiklab na sunog ay minor damage lamang ang natamo ng chapel, at maging ang loob na bahagi ng chapel kung nasaan ang Itim na Nazareno at iba pang mga poon ay hindi nasira.

Inatasan naman ni Estrada si City Engineer Roberto Bernardo na simulan na ang kinakailangang pagkukumpuni at pagpapaganda pa ng nasabing chapel at mas pagtibayin pa ito laban sa mga kalamidad gaya ng malalakas na bagyo at lindol. May 20 taon na  sa lugar ang  imahe ng Poong Nazareno.

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

CITY ENGINEER ROBERTO BERNARDO

DAGUPAN ST. TONDO

JOSEPH ESTRADA

MANILA MAYOR

NBSP

POONG NAZARENO

ST. JOSEPH CHAPEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with