MANILA, Philippines – Isang estudyante ng University of the Philippines (UP) Diliman sa lungsod Quezon ang patuloy na hinahanap matapos na mapa-ulat ang pagkawala noong Martes ng umaga, ayon sa ulat kahapon.
Ito ang nabatid matapos kumalat sa website na Facebook ang paghingi ng suporta ng isang Marissa Patawaran, tungkol sa pagkawala ng kanyang pamangking si Ian Jasper Calalang, 18, freshman sa UP at residente sa Cainta Rizal, noong nakaraang Martes sa loob ng nasabing campus.
Base sa impormasyon, itineks pa umano ng estudyan-te ang kanyang mga magulang noong Martes na nagsabing dumating na siya sa UP campus ng alas-8:30 ng umaga.
Lumabas na ang naturang mensahe ang huling natanggap mula sa biktima. Sinikap din anya nilang tawagan ang cellphone nito, suba-lit ‘cannot be reached’ na ito.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang natatangap na komunikas-yon sa biktima.
Sinabi ni Patawaran, nang magtungo ang pamangkin sa UP ay may dala itong pera na nagkakahalaga ng P35,000 na pangpa-enroll.
Nagtungo na rin anya ang mga magulang ni Calalang sa UP para magpa-blotter sa UP police at sa Anonas Police Station 9 para makatulong sa paghahanap dito.
Dahil dito, nakikiusap ang pamilya sa sinumang nakakaalam o nakakita kay Ian ay agad na ipagbigay alam sa kanila sa pamamagitan ng cellphone no. 0932-222-0864; at 09173390488.