^

Metro

Kelot nagbigti sa footbridge

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naisalba ang buhay ng isang lalaking sinasabing may diprensiya sa pag-iisip makaraang  magbigti sa isang footbridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kamakalawa sa Pasay City.

Alas-8:00 kahapon ng umaga mula sa San Juan De Dios Hospital sanhi ng tinamo nitong fracture sa leeg ay inilipat  na ang biktimang si Randy Aleman, 31, taga Samar, Leyte sa  National Center for Men­tal Health sa Mandaluyong City.

Ayon sa report ng Pasay City Police,  naganap ang tangkang pagpapatiwakal alas-9:00 kamakalawa ng umaga sa footbridge ng MMDA sa kahabaan Roxas Boulevard, Bac­laran ng nabanggit na lungsod.

Nakita ng nakata­la­gang mga street sweeper­  na nakapalu­pot sa leeg ng biktima ang isang nylon cord at nakatali sa iron grills ng natu­rang footbridge.

Dali-daling pinunta­han ng mga street sweeper ang biktima at kaagad na kinalag sa leeg nito ang nakataling nylon cord hanggang sa dinala ito sa naturang ospital (San Juan De Dios Hospital).

Kaagad namang ipinagbigay alam sa mga pulis ang insidente at nalaman na si Aleman ay may sakit sa pag-iisip.

Napansin ng mga pulis na nakasulat sa suot na t-shirt ng bik­tima­, na humihingi ito ng tawad sa tangka nitong pagpapatiwakal.

Nanawagan naman ang Pasay City Police, na kung sino aniya ang nakakakilala sa biktima, kaagad itong ipagbigay alam sa mga ka­anak nito.

ACIRC

ANG

MANDALUYONG CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CENTER

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RANDY ALEMAN

ROXAS BOULEVARD

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with