Isa pang abusadong taxi driver, sinubpoena ng LTFRB
MANILA, Philippines - Sinubpoena kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver at operator ng isa na namang taxi unit matapos e-post ng isang Hannah Quiwa sa Facebook ang nangyari sa kanya sa loob ng naturang sasakyan.
Batay sa reklamo ni Quiwa sumakay siya sa Premium taxi na (AAO-7317) kasama ang kanyang 15-anyos na kapatid at 10-anyos na pamangkin mula sa kanilang bahay papuntang Mandaluyong.
Bago sumakay sa naturang taxi, ay agad na siyang sinabihan ng driver ng taxi na magdagdag ng P50.00 sa pasahe dahil sa traffic.
Doo’y pumayag siya na magdagdag ng P50.00 sa pasahe.
Habang nasa daan, may kausap siya sa telepono nang biglang sinabihan siya ng driver na mag-grab taxi ka na lang! Ok lang sa akin!
Gayunman, sinabi ni Quiwa na ok lang basta’t ihatid sila sa naturang mall.
Nang makarating sa mall, sinundo sila doon ng tatay niya hanggang sa pagbaba ng taxi.
Dito, tinanong ng kanyang ama kung bakit may dagdag na P50.00 ang pasahe.
Bunga noon, sinigawan ng driver ang ama ni Quiwa at pinagmumura pa.
Nang malaman ng LTFRB ang insidente, agad ipinatawag ng ahensiya ang may-ari ng naturang taxi at driver nito para sumalang sa public hearing sa January 20 alas-9 ng umaga upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan kaugnay ng naganap na insidente.
Ang insidente ay ikatlong pangyayari na makaraang parusahan ng LTFRB board ang abusadong driver ng AFG taxi na si Roger Catipay at ang una ay ang taxi driver ng isang stewardess na tinanggalan na ng drivers license.
- Latest