10 timbog sa Taguig buy-bust

MANILA, Philippines – Sampung katao ang nasakote sa loob ng hinihinalang drug den sa lungsod ng Taguig kahapon.

Dalawa sa nasakote ay sina Melvin Alvarez, 38, at Chito Sales, 40 ng 40 Pili Street, Plaza Nueve, Barangay North Signal.

Dinakip ang mga suspek matapos pagbentahan ng shabu ang isang undercover agent sa halagang P2,000.

Hinuli na rin ng mga awtoridad ang walo pang katao na nasa loob ng bahay na nakilalang sina Omar Marcelo, 48; Sandy Balondo, 44; Charmella Jarligo, 20; Charlaine Jarligo, 21; Jay Ar Lagoc, 28; Marcelo Cullado, 40; Joseph Sandoval, 33 at Jerry dela Cruz, 46.

Pawang mga residente ng Taguig ang mga suspek maliban kay Balondo.

Hinala ng mga awtoridad ay nagsisilbing drug den ang bahay nina Alvarez at Sales.

Dinala sa Southern Police District Crime Laboratory ang mga nakumpiskang shabu, habang nakakulong ngayon sa Taguig Police headquarters ang mga suspek.

 

Show comments