MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis ngayong araw na ito ng Martes (Enero 12).
Ang bawas presyo ay pinangunahan ng Pilipinas Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga kung saan bumaba ng P0.10 kada litro ang gasolina; P0.70 kada litro sa kerosene at P0.70 kada litro naman sa diesel.
Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan sa kabila ng nagaganap na iringan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran, ang mga bansang petroleum supplier.
Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ng rollback ang ilang oil companies na may kahalintulad na halaga.