Dahil sa paglihis ng ruta, ika-409 Traslacion umabot ng mahigit 20 oras
MANILA, Philippines – Pasado alas 2:00 na ng madaling araw kahapon nang tuluyang maipasok sa Minor Basilica Church sa Quiapo ang Poong Itim na Nazareno kahapon na umabot ng 20 oras at 41 minuto dahil umano sa hindi nasunod na itinakdang ruta, ayon sa Manila Police District (MPD).
Gayunman, pagkalahatang naging mapayapa na- man ang pagdiriwang na di-naluhan ng may 1.5 milyong deboto na posibleng mas higit pa ang bilang kung isasama ang mga nagtungo sa pahalik na sinimulan ng Enero 8 alas-6:00 ng hapon sa Luneta Grandstand at sa mga nag-aabang lamang sa mga daraanang ruta at pali-gid ng Quiapo.
Nabatid na noong nakalipas na taon (Enero 9, 2015) ay umabot lamang sa 19 na oras ang pagtatapos ng prusisyon, taong 2014 ay 10 na oras din at 2013 ay nasa 18 oras at noong taong 2012 ay mahigit 22 oras.
Nagpasalamat naman si MPD Director Chief Supt. Rolando Nana at na-ging maayos ang pagdaraos bagamat nalungkot din sa dalawang lalaki na naitalang namatay kaugnay sa Traslacion gayundin si Monsignor Hernando Coronel, rector ng Basilica Minore ng Nazareno, sa mga debotong nakiisa sa taunang Traslacion, mga volunteers, iba pang organisasyon at mga awtoridad tumulong para maging maa-yos ang taunang Translacion.
Sa paliwanag naman ni Plaza Miranda Police Community Precinct commander C/Insp. John Guiagi ng Plaza Miranda Police Community Precinct, inilihis ng ilang nakipasan ng Andas patungo sa tradisyunal na ruta ang Traslacion.
Sa halip umano na dumiretso ng Quezon Boulevard at kumanan sa Arlegui mula Globo del Oro, mula sa Quezon Blvd. ay kumaliwa na ang andas patungong Gunaw Street, saka kumanan sa Arlegui.
Ito umano ang dahilan kung bakit inabot sa mahigit na 20 oras ang prusisyon na una nang pinaikli ang ruta para mabilis na makabalik sa Simbahan ng Quiapo ang Poon ng Itim na Nazareno.
Nasawi ang debotong si Alex Fullido, 27 ng Blumentritt. Sampaloc, Maynila dahil sa sobrang pagod na inatake sa puso matapos ang seizure at idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila at ang 58-anyos na si Mauro Arabit, candle vendor naman ng Binangonan, Rizal na dead- on-arrival naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).
Noong nakalipas na taon (Enero 9, 2015) ay dalawa rin ang namatay sa kasagsagan ng Traslacion na sina Renato Gurion, residente ng Sampaloc, Maynila, na may limangtaon na umanong official escort o miyembro ng Hijos Del Nazareno na dead- on-arrival sa Manila Doctor’s Hospital nang atakehin sa puso matapos maipit ng mga deboto at isang ’di kilalang lalaki na hinimatay at nata-pak-tapakan.
- Latest