MANILA, Philippines – Umabot sa 2,466 presong lalaki sa Quezon City Jail — Male Dormitory ang nabigyan ng benepisyo na makalaya ng maaga.
Ayon kay JO1 Michelle Dulce Matias ng Bureau of Jail Management and Penology Community Relation Service, ang naturang benepisyo ay mula sa bagong Good Conduct Time Allowance (GCTA) credit scheme na ibinahagi nitong nakaraang December 2015 kung saan naging rekord breaking ang bilang simula ng ipatupad ito sa buong kapulungan.
Sabi ni Matias, ang GCTA ay isang behavior credit scheme, base sa pag-uugali at asal na ipinapakita ng mga preso sa loob ng piitan. Dito ay binibigyan sila ng puntos o time allowance para mabawasan ang kanilang prison term. Naibibigay ang 20 puntos sa pamamagitan ng pagsali ng mga ito sa mga aktibidad tulad ng religious, educational, livelihood at behavioral activities.
Dagdag ni Matias, ang naturang benepisyo ay hindi lamang ipinatutupad sa kanilang ahensya kundi maging sa Bureau of Correction at sa lahat ng mga piitan sa bansa sa ilalim ng Republic Act 10592 na sinimulan noong nakaraang October 2013 ng hepe ng BJMP o ang Warden ng isang local jail para sa mga may mabuting pag-uugali ng mga preso at sa sandaling maaprobahan ang allowance ay hindi na ito maaring bawiin.
Sa ilalim ng Implemen-ting Rules and Regulations, ang BJMP ay bumuo ng isang Management, Scree-ning and Evaluation Committee (MSEC) sa mga kulu-ngan upang madetermina ang mga patakaran at pamanta-yan ng pag-uugali upang ipagkaloob ang GCTA at kahalintulad ng mga pagkakaloob para sa pagsusumite bilang rekomendasyon sa mga pa-ngunahing BJMP authorities para sa pagsang-ayon.
May 39 na personnel ng Quezon City Jail ang umakto bilang Time-Allowance Supervisors na nag-evaluate ng working directive para baguhin ang mga aktibidad ng mga preso na maging karapat dapat sa kanila upang makuha ang GCTA kung saan ang nakuhang puntos ay maaaring maglaan para sa pagbaba ng parusa ng kanilang mga sistensya habang nakabinbin ang kanilang kaso sa korte.
Base sa rekord ng QCJ mula sa 2,466 nabigyan, 1,783 preso ay kabilang sa gang.